-- Advertisements --
Walang naitalang bagong kaso ng mga Filipino na nasa ibang bansa na nadapuan ng COVID-19.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nananatili sa 11,559 ang bilang ng mga Filipino na nasa ibang bansa ang nadapuan ng COVID-19.
Sa nasabing bilang ay mayroong 3,247 ang bilang ng mga ginagamot habang mayroong 7,478 naman ang gumaling na.
Wala ring naitala ang DFA ng bagong gumaling at bagong nasawi sa mga Filipino na mula sa ibang bansa.
Tiniyak din ng DFA na patuloy ang kanilang pagbibigay nila ng tulong sa mga Filipino na nadadapuan ng COVID-19.