Nagsanib pwersa ngayon ang Department of Human Settlements and Urban Development at Clark Development Corporation upang makapagtayo ng aabot sa 50,000 unit ng pabahay sa Clark Pampanga.
Ang kasunduan na nilagdaan ng dalawa ay layong masolusyunan ang pangangailangan sa mga pabahay sa bansa at maiangat ang ekonomiyang naturang lugar.
Lumagda sa isang Memorandum of Understanding si DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar na ginanap sa lungsod ng Quezon.
Sa naging pahayag ni Acuzar, binigyang diin nito na ideal na lugar ang Clark para magkaroon ng mga township developments
Aniya ito ay malapit rin sa ito Metro Manila at higit sa lahat maraming malalapit na modernong imprastraktura sa lugar.
Makaka engganyo rin aniya ang development na ito ng mas maraming negosyo, manggagawa, at residente at iba pang aspeto.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Clark Development Corporation President Atty. Devanadera kay Acusar sa pagpapakita nito ng suporta sa mga programa at inisyatibo ng CDC sa pagtatayo ng mga pabahay.