-- Advertisements --
Nakahanda ang Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) na humingi ng tulong sa mga housing developers para masolusyunan ang housing backlogs sa bansa.
Sinabi ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, handa silang makipag-partership para matugunan ang libreng pabahay ng gobyerno.
Dagdag pa nito na hindi mareresolba ang problema sa pabahay sa bansa kung walang mangyayaring pagtutulungan ng gobyerno at ang private developers.
Inihalimbawa nito ay kanilang bibilhin ang mga maitatayong bahay ng mga housing developers.
Magugunitang inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program na nagbibigay ng libreng pabahay ang mga walang sariling tahanan.