Nanawagan ang ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa mga Pilipinong may mababang kita na amg-parehistro sa kanilang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) program.
Sa isang panayam sinabi ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar na kasalukuyang tinatayo ang 4PH housing units sa iba’t-ibang bahagi ng bansa matapos ang dalawang tatlong taong pagpaplano.
Sa kasalukuyan, mayroong hindi bababa na 56 na proyekto ang ahensya na nasa ilalim ng 4PH program na nasa iba’t-ibang yugto ng pag-develop at konstruksyon.
Noong Disyembre 2024, ang unang 4PH units sa Palayan City Township Development sa Nueva Ecija ay ipinamigay sa mga Overseas Filipino Worker-beneficiaries ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos sa Malacañang.
Nagsimula rin ang Bacolod City na mag-turnover ng mga housing units sa mga beneficiaries sa Asenso Yuhum Residences noong nakaraang buwan.
Binanggit ni Acuzar na ang mga interesado at pamilyang kwalipikado ay maaaring pumunta sa kanilang mga lokal na pamahalaan at DHSUD offices upang magparehistro para sa 4PH program.
‘Pangalawa po, kailangan magdokumento na kayo dahil ang mga dokumentong iyan ay gagamitin namin sa mga bangko at sa Pag-Ibig. Kung kayo po ay may dokumento, mauuna po kayo dahil ito po ay gagamitin namin para bayaran ang contractor,’ ani Acuzar.
Inaanyayahan din nito ang mga informal settler families na mag-apply bilang mga benepisyaryo ng 4PH program.
Noong una, sinabi ni Acuzar na binawasan ng gobyerno ang target nito para sa 4PH mula sa orihinal na anim na milyong units na naging tatlong milyong units na lamang.
‘Pero po, lahat po ng plano ay nakalatag na at kayo po ay isasama sa listahan ng pambansang pabahay sa ilalim ng administrasyong Marcos,’ pagtatapos ni Acuzar.