-- Advertisements --

Mamamahagi ng karagdagang tulong ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa mga residenteng lubhang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.

Sa isang panayam, ipinaliwanag nila DHSUD Undersecretary for Disaster Response Administrative at Finance Services Randy Escolango na magsasagawa silang muli ng mga relief operations.

Ipapamahagi ng ahensya ang ilang construction materials para sa mga residenteng nawalan ng mga tirahan o nangangailangan ng mga materyales para mapaayos ang mga ari-arian nilang nasira dulot ng bagyo.

Ito ay sa pamamagitan ng Integrated Disaster Shelter Assistance Program (IDSAP) at ng Housing Materials and Essentials (HOMES) kung saan sa ilalim ng mga ito ay makakatanggap ng P10,000 ang mga tahanang partially damaged habang P30,000 naman ang matatanggap ng mga kabahayang lubhang nasira ng mga kalamidad.

Samantala, patuloy naman sa pagaabot ng tulong ang iba’t iba pang mga ahensya sa bansa para unti-unting makaahon ang mga residenteng nawalan ng kani-kanilang tirahan.