-- Advertisements --
Nagsagawa ang Department of Human Settlement and Urban Development ng housing exhibit at caravan kasabay ng kanilang selebrasyon ng ika-anim na anibersaryo.
Ito ay may temang “Anim na Taon ng Pagpapalakas ng Buhay: Pagtatayo ng Tahanan, Pagtatatag ng Kinabukasan para sa Bawat Pamilyang Pilipino.”
Itinampok sa mga aktibidad ang mga mahahalagang hakbang sa mga programang pabahay ng ahensya.
Ibibida rin dito ang mga tagumpay na nakamit ng DHSUD sa loob ng anim na taon na pamamahala.
Ang buong aktibidad ay sinimulan ngayong araw at tatagal hanggang Pebrero 14 sa DHSUD Central Office.
Una nang ipangako ni DHSUD Secretary Rizalino Acuzar ang commitment ng ahensya na makapaghatid ng ligtas, disente, at abot-kayang pabahay para sa mga Pilipino.