Bumuo ang Department of Human Settlements and Urban Development ng isang komprehensibong plano sa pagtugon sa emergency shelter.
Layon nitong layuning mapabilis at matiyak ang isang systematic government ng pamahalaan para sa mga pamilyang mawawalan ng tirahan sa panahon ng mga natural na kalamidad.
Ito ay tinaguriang Integrated Disaster Shelter Assistance Program na nilikha sa pamamagitan ng department order na inilabas ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar.
Nakapaloob dito ang mandatong pagtitiyak ng mabisa at mahusay na paghahatid ng tulong para sa mga pamilyang apektado ng kalamidad.
Ipinaliwanag ni Acuzar na ang coordinated efforts sa pagitan ng iba’t ibang ahensya at organisasyon ay magpapatuloy, kasunod ng pagsisimula ng sakuna upang mabawasan ang mga epekto nito.
Kasama rin dito ang pagbibigay ng one-time emergency shelter support (ESS) para sa mga sambahayan na may totally damaged houses upang matugunan ang kanilang agarang pangangailangan sa pabahay.
Titiyakin aniya nito ang agarang tulong ng gobyerno ng mga residenteng naapektuhan ng kalamidad.