-- Advertisements --
PABAHAY

Ibinunyag ng Department of Human Settlement and Urban Development o DHSUD na may mga grupo na nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa pabahay na programa ng pamahalaan. 

Sa isang pahayag ay hinikayat ni Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar ang publiko na lumapit lamang sa mga lehitimo at related offices ng  ahensya kung nais makapag avail ng pabahay program.

Aniya, maaring makipag-ugnayan sa Local Government Units, Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund, National Home Mortgage Finance Corporation, Social Housing Finance Corporation at National Housing Authority.

Binigyang linaw rin ng kalihim na walang ibang private offices o grupo ang may authorization na magbigay aksyon kaugnay sa pabahay program ng pamahalaan maliban sa mga nabanggit nitong tanggapan.

Una rito , target ng Department of Human Settlement and Urban Development na makapagtayo ng hindi bababa sa isang milyong housing unit kada taon o katumbas yan ng kabuuang 6 million na housing unit hanggang sa 2028.