Binigyang diin ng Department of Human Settlements and Urban Development na ang lahat ng mga pabahay sa ilalim ng 4PH program ng kanilang ahensya ay ‘climate-resilient’.
Ito ang naging kasagutan ng ahensya sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tutukan ang makabagong disenyo ng pabahay sa bansa dahil na rin sa sunod-sunod na kalamidad ang malimit bumisita sa Pilipinas.
Kailangan aniyang angkop ang structure ng pabahay sa nagbabagong panahon.
Sa isang pahayag ay sinabi ni DHSUD Sec. Rizalino Acuzar na dekalidad ang lahat ng kanilang mga pabahay.
Aniya, tumatalima ito sa Comprehensive Land Use Plans at Local Shelter Plan ng itinakda ng mga lokal na pamahalaan.
Batay sa datos, aabot sa 56 na proyekto ang kasalukuyang nasa ilalim ng 4PH program ng kasalukuyang administrasyon ni PBBM.