Nilinaw ngayon ni Department of Education (DepEd) Sec. Leonor Briones na hindi siya tutol sa salary increase ng mga guro sa pampublikong paaralan.
Sinabi ni Briones na mali ang pagkakaintindi o nagkaroon lamang ng misinterpretation sa kanyang nauang pahayag hinggil sa pay hike ng mga guro.
“It is not true that I am against the salary increase of our public school teachers,†saad ni Briones sa isang statement.
Binigyan diin ng kalihim naman ang kahalagahan nang pagrekonsidera sa halaga ng pera na kailangan ilabas ng gobyerno sa oras na taasan ang sahod ng mga guro sa pampublikong paaralan.
Dapat magkaroon daw muna ng assessment sa fiscal impact sa oras na ipatupad na ang salary increase.
Kung titingnan aniya, ang P5,000 across the board increase ay mangangailangan ng karagdagang P75 billion sa pondo ng kagawaran kada taon.
Kailangan aniyang ikonisdera sa usapin na ito kung ito raw ba ay angkop sa mga polisiya ng gobyerno sa buwis, pag-hiram ng pera, o sa budget reallocation.
Bukod dito, sinabi rin ni Briones na dapat ding ikonsidera ang iba pang government personnel sa pagtataas ng sahod.
“I emphasize that we cannot think of the teachers alone. There is an equity issue in relation to other government personnel that we need to address,†giit nito.
Gayunman, tiniyak ng DepEd chief na maipapatupad ang salary increase ng mga guro.