Hindi alintana ng ilang grupo ang makulimlim na panahon at may paminsan-minsang pag-ambon sa Maynila para ituloy ang ilang aktibidad ukol sa 47th anniversary ng pagdedeklara ng Martial Law.
Ayon kay Atty. Chel Diokno, hindi dapat isantabi ang mga ganitong gawain para huwag tuluyang makalimutan ng mga bagong henerasyon ang tunay na pangyayari noong panahon ng batas militar.
Si Diokno ay mula sa pamilyang mariing tumutol sa martial rule, lalo’t ang kaniyang amang si dating Sen. Jose “Pepe” Diokno ay isa sa mga inaresto at ikinulong ng militar.
Matatandaang idineklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Martial Law noong Setyembre 21, 1972.
Kaya naman, naglagay ng dagdag na tauhan ang Manila Police District (MPD) sa Roxas Boulevard at iba pang venue ng mga aktibidad upang matiyak ang kaayusan at mapaghandaan ang mga posibleng grupo na nais manggulo.