-- Advertisements --

Pinanigan ni Senate committee on public order and dangerous drugs chairman Sen. Panfilo Lacson ang Duterte administration sa pagtangging magpasailalim sa United Nations Human rights Council sa isyu ng extra judicial killings.

Matatandaang kahapon ay 18 bansa ang pumabor sa Iceland resolution na nagnanais magdaos ng preliminary investigation sa mga kaso ng pagpatay sa Pilipinas.

Ayon kay Lacson, gumagana naman ang criminal justice system sa bansa at pinarurusahan ang mga abusadong law enforcers.

Dagdag pa ng senador, regular na pinaglalaanan ng pondo ng gobyerno ang Commission on Human Rights (CHR) para magampanan nito ang mandatong protektahan ang karapatan ng mga mamamayan.

Kaya naman, naniniwala si Lacson na mareresolba ng gobyerno ang mga krimen sa bansa nang walang intervention ng UN Human Rights Council.

“We have a functioning criminal justice system that deals with erring law enforcers. We regularly provide our Human Rights Commission the budget they need to perform their mandate. Obviously, we can manage without the intervention of the UN Human Rights Council,” wika ni Lacson.

Ganito rin ang pananaw nina Sen. Richard Gordon at maging ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Pero ang hanay ng oposisyon ay nananawagan naman sa pamahalaan na bigyang-daan ang imbestigasyon kung wala raw itong itinatago.