-- Advertisements --
Tila hindi pa rin tanggap ni outgoing mayor Bobby Eusebio ang kanyang pagkatalo sa katatapos lamang na halalan.
Mula nang maideklara si Vico Sotto, 29-anyos, bilang bagong alkalde ng Pasig ay kabi-kabilang protesta na ang isinagawa ng mga supporters ni Eusebio na hindi tanggap ang kinalabasan ng resulta.
Kung kaya’t ibinahagi ng kasalukuyang alkalde ang plano ng kanyang kampo na mag-file ng ng election fraud upang patunayan daw na may dayaang naganap.
Hindi raw kasi sila naniniwala sa naging resulta dahil na rin sa mga palyadong Vote Counting Machines (VCMs) noong araw ng botohan.
Sa kabila nito, ikinatuwa naman ng mga Pasigueños ang pagkapanalo ni Vico dahil binasag nito ang matagal nang pamumuno ng mga Eusebio sa nasabing lungsod.