-- Advertisements --
Screenshot 2019 06 07 16 31 23
DOH Sec Francisco Duque III

Nilinaw ni Health Sec. Francisco Duque III na hindi makakaapekto sa kabuuang kondisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte ang myasthenia gravis o nerve malfunctions.

Ayon kay Duque sa panayam ng Bombo Radyo, karaniwang ang may mga ganitong kalagayan ay nakagagawa naman ng normal dahil mayroong available na gamot sa ganitong sakit.

Una nang inamin ng Pangulo ang kaniyang nararamdaman, matapos ang byahe sa bansang Russia nitong mga nakalipas na araw.

May mga pagkakataon din na lumiliban ito sa ilang aktibidad, maging sa Malacanang o sa ibang lugar na kaniyang pinupuntahan.

Sinabi ni Sec. Salvador Panelo na malusog naman ang presidente, dahil kahit mahigit 74 taong gulang na ito ay kaya pa ring makabyahe sa ibang bansa at makaganap ng iba’t ibang aktibidad.