-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay nang manlaban ang isang terorista sa operasyon ng militar sa probinsya ng Lanao Del Sur.

Nakilala ang suspek na si Polo Alim,kasapi ng DI-Maute at may kasong murder.

Ayon kay 1st Marine Brigade Commander BGen. Jonas Lumawag,na nagsagawa sila ng law enforcement operation sa Barangay Lumbac Balabagan Lanao Del Sur.

Paparating palang ang tropa ng militar sa kanilang target ay pinaputukan na sila ng mga armadong kalalakihan.

Agad gumanti ang mga sundalo na tumagal ng sampung minutong palitan ng putok sa magkabilang panig at nasawi si Alim.

Narekober sa posisyon ni Alim ang isang M16 armalite rifle na may M203 greenade launcher, isang hand grenade, isang unit ng cellphone, ipinagbabawal na droga at mga drug paraphernalia.

Pinuri naman ni 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central (JTFC) Commander Major General Juvymax Uy ang matagumpay na operasyon ng Ist Marine Brigade para buwagin ang mga masasamang grupo.

Nanawagan si MGen Uy sa ibang mga rebelde o terorista na sumuko na at mamuhay ng mapayapa.