-- Advertisements --

Mas kailangan umano ng improvement sa kasalukuyang sistema ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kaysa lumikha ng panibagong departament para sa mga kalamidad.

Ito ang sinabi ni Sen. Panfilo Lacson, kasunod ng mga panawagang balangkasin na ang Department of Disaster Management, dahil sa mga problema ukol sa Taal eruption.

Sinabi ni Lacson na ang paglikha ng hiwalay na ahensya ay mangangailangan din ng malaking pondo para sa itatalagang kalihim, undersecretaries, assistant secretaries, staff, gayundin para sa lugar na magiging tanggapan at iba pang pangangailangan.

Sa tingin ng senador, mas makabubuting magkaroon ng isang lupon na pamumunuan ng opisyal na may director level at nasa ilalim ng Office of the President (OP).

Dito ay magkakaroon ng mga kinatawan mula sa mga ahensya at hindi na ang mismong mga kalihim ang haharap sa mga pagpupulong.

“I think a permanent office that is under the OP, not necessarily a department, kasi masyado na ring bloated ang bureaucracy. While meron tayong right-sizing, create tayo ng create ng department. Hindi naka-synchronize doon sa mga policy decisions. Nagkaroon tayo ng Human Settlements, may move to create a Dept of OFW, tapos Dept of Disasster. Parang sobrang bloated na ang bureaucracy. I think an office under the OP should do the job. Kasi sa ngayon ang NDRRMC parang hindi effective because it is a council being chaired and composed of Cabinet secretaries na wala namang focus sa trabaho sa disaster and rehab. So dapat may permanent office but not necessarily as big as a department,” wika ni Lacson.