-- Advertisements --
LAOAG CITY – Posibleng sa hindi umano na-secure na linya ng koryente nagsimula ang apoy sa nangyaring sunog sa Notre Dame Cathedral sa Paris, France.
Ito ay ayon kay Jhae-ar Balico, taga-Sarrat, Ilocos Norte pero kasalukuyang nagtatrabaho sa France.
Ani Balico, may mga nakakita na bago sumiklab ang apoy ay nag-spark ang linya ng kuryente sa harap ng tanyag na simbahan.
Subalit sinabi rin ni Balico na hindi rin inaalis ng mga otoridad ang posibilidad na sinadya ang sunog.
Paliwanag niya na noong nakaraang taon ay dalawang beses na tinangka umano ng mga terorista na sunugin ang parehong simbahan.