-- Advertisements --

NORTH COTABATO – Walang ibinigay na business permit ang tanggapan ng Mayor’s Office sa lahat ng mga investment scheme.

Ito ay ayon kay Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista patungkol sa mga kumakalat na investment scheme sa lungsod.

Aminado ang alkalde na marami na ang gustong mag-apply upang kumuha ng business permits dahil may gusto aniya silang itayong negosyo.

Ngunit nakapag-operate pa rin ang mga ito dahil sinasabing isa itong religious ministry foundation.

Una nang nagpalabas ng direktiba ang Department of Interior and Local Government na nag-uutos sa lahat ng alkalde sa mga lungsod at bayan na kanselahin at ipawalang-bisa ang mga business permits ng kahit anumang investment scheme.

Samantala, magbibigay din ng tulong legal ang pamahalaan sa mga magrereklamo laban sa mga investment schemes ng mahigit sa 8,000 na mga miyembro mula sa Kidapawan City.