-- Advertisements --
SAP BONG GO
Sap Bong Go / FB post

DAVAO CITY – Nagpaliwanag si Senator-elect Bong Go kung bakit nag-iisa lamang siya sa proklamasyon ng mga nanalong senador sa Philippine International Convention Center (PICC) nitong Miyerkules ng umaga.

Ayon kay Go, hindi raw niya napaghandaan ang proklamasyon dahil nasa Davao ang kanyang pamilya at hindi kaagad naabisuhan na ngayong araw na rin ang programa.

“Taga-Davao po ako. Taga-probinsya lang po ako. Wala po akong… hindi po ako handa na magkakaroon ng proclamation ngayon,” wika ni Go.

Si Go, na pinakamalapit na kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte, ay pumangatlo sa mga nagwaging senador na na nakakuha ng 20,657,702 boto.

Nabatid na ang asawa at mga anak ni Go ay hindi halos makita sa publiko, dahil palaging kasama ni Go si Pangulong Duterte.

Halos dalawang dekada ding naging aide ni Pangulong Duterte si Go.