-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Kinontra ni Albay Rep. Edcel Lagman ang mga nagsasabing masyado pang maaga upang talakayin ang halalan sa 2022 dahil humaharap pa sa pandemya ang Pilipinas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Lagman, pitong buwan na lamang umano at opisyal nang magpapasimula ang pagsusumite ng certificate of candidacy.

Totoo aniyang nasa pandemic pa ang bansa at dapat na tama ang maging responde subalit maaari naman umano ang “multitasking”.

Ayon kay Lagman, hindi naman pwedeng ibuhos lahat ng pagsusumikap sa pagresolba sa isang problema lamang.

Simultaneous kasi umano dapat ang approach ng mga nangunguna rito.

Banat pa ni Lagman sa patuloy na pagdami ng naitatalang COVID-19 cases sa araw-araw, premature umano ang pagbubukas ng ekonomiya.

Aniya, pinakatimbang muna sana ang lagay ng kalusugan ng mga tao bago nagpatupad ng pagluluwag ng restrictions.