-- Advertisements --
PNP SPOKESMAN BANAC

Dumipensa ngayon ang PNP sa pagsasailalim sa “Oplan Katok” sa broadcaster na si Erwin Tulfo kapag hindi nito isinuko ang kaniyang armas.

Ayon kay PNP spokesman Col. Bernard Banac, ang hakbang ng PNP ay isinasagawa naman sa lahat ng responsible gun owners sa buong bansa.

Aniya, pinadadalhan talaga ng PNP ang mga nagmamay-ari ng baril ng sulat para paalalahanan sa kanilang responsibilidada na pag-renew ng lisensiya ng kanilang baril.

Kapag hindi raw ito magagawa ng mga owners ay puwede naman nilang ipasailalim sa temporary safekeeping ang kanilang mga baril sa pinakamalapit na himpilan ng PNP.

Dagdag ni Banac, kapag bigong i-renew ng mga gun owners ang lisensiya ng kanilang baril ay dito na magsasagawa ng “Oplan Katok” ang mga pulis.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na rin umano si Tulfo sa PNP para sa pagsuko sa kanyang mga armas.