Hindi pa umano maituturing na ganap na sarado ang isyu ng naging planong pagpapalaya sana kay convicted rapist at murderer na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.
Ito ang sinabi ni retired Sandiganbayan Justice Harriet Demetriou sa panayam ng Bombo Radyo, kasunod ng mga impormasyong matagal nang plano ang paglabas ni Sanchez.
Katunayan, nakapag finger print na raw ito ayon mismo sa mga anak ng alkalde.
Naniniwala si Demetriou na hindi nagtatapos dito ang usapin at kailangang panagutin ang mismong mga nagsulong na makalaya ang isang taong sangkot sa heinous crime.
Maging ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nito papayagang makalaya ngayon ang dating mayor na convicted criminal ay hindi magiging closure sa isyu.
“Ang pagsalita ni Pangulong Duterte na hindi niya palalayain ay hindi pa tapos ang isyu..,” wika ni Demetriou.