-- Advertisements --

Inamin ni dating budget undersecretary at UP ecxonomic Prof. Cielo Magno na hindi akma sa kasalukuyang sitwasyon para sa mga benepisaryo ng PhilHealth ang pagtanggal ng budget para dito.

Giit niya, hindi tamang mapunta ang epekto sa mga recipient ng tulong dahil lamang sa kabiguan ng ilang opisyal na ma-utilize ang kanilang budget.

Hindi rin aniya sasapat ang reserbang pondo para sa kabuuang mga bayarin dahil sa dami ng nagkakasakit na mahihirap at ang iba ay mga contributors ng government health insurer.

Ipina-alala nito sa Kongreso na dahil sa nasabing hakbang, magiging dagdag na pasanin na naman ito ng mga karaniwang manggagawa.

Sa halip aniya na kunin ito sa taxes, kagaya ng mula sa sugary products, tabako at iba pa, na malinaw naman sanang nasa batas.

Paniwala ni Usec. Magno, kaya pina-prioritize ng mga mambabatas ang paglalaan ng pondo sa ilang selected programs, dahil nagagamit ito ng mga politiko para sa pamumulitika.

Lalapit daw kasi ang mga humihingi ng tulong sa tanggapan ng lokal na opisyal para kumuha ng gurantee letter, kung saan bibida ang mga ito, sa halip na direkta na sana sa PhilHealth at hindi na makikisuyo o maghahabol pa sa mga politiko.

Kaya naman, naghahanda na umano sila para idulog ito sa Korte Suprema, dahil naniniwala silang kailangang ideklarang Unconstitutional ang mga hakbang mga mambabatas at posibleng magdulot ng masamang epekto sa mga mahihirap na umaasa lamang sa government health insurer upang maging tuloy-tuloy ang gamutan at mga katulad nito.