Humataw ang Orlando Magic sa kanilang laro kontra Golden State Warriors.
Bentahe para sa Magic ang hindi paglalaro ni Kevin Durant kaya kanilang iginupo ang Warriors sa score na 103-96.
Sa panalo ngayong araw, mayroon nang ikalawang magkasunod na talo ang Warriors at apat naman sa nakalipas na anim na laro.
Nanguna si Aaron Gordon para sa Magic matapos tumipa ng 22 points, 15 boards, tatlong assists at isang block sa 36 minutong paglalaro.
Samantala, nakagawa naman ng bench mob na 16 points, limang assists, apat na rebounds, at isang steal si Terrence Ross para sa Orlando.
Sa ngayon, ikawalo pa rin ang Magic sa Eastern Conference sa win-loss record na 29-34.
Sa kabilang banda, si Stephen Curry naman ang siyang nanguna para sa Golden State makaraang makagawa ng 33 points sa 5-on-17 shooting.