-- Advertisements --
Nilinaw ngayon ni Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin Jr. na suportado ng Pilipinas ang mga hakbang para labanan ang epekto ng Climate Change, kahit hindi sila nagpadala ng kinatawan sa conference sa New York.
Paliwanag ni Locsin, mas makakalikasan ang ginawa nila dahil sa internet na lang sila bumuboto at hindi na lilipad sa pamamagitan ng eroplano na may matinding carbon emission.
Ang panibagong pahayag ay inilabas ng kalihim dahil sa maling intindi raw ng iba na hindi na nakikibahagi ang ating bansa sa pagtugon sa problemang dala ng pagbabago ng panahon.
Nabatid na isa ang Pilipinas sa mga bansang labis na dumaranas ng epekto ng climate change, katulad ng malalakas na bagyo at mas mataas na temperatura.