Tiniyak ng Securities and Exchange Commission (SEC) na tuloy ang paghahabol nila sa iba pang investment scheme sa kabila ng pagiging abala sa pagsasampa ng kaso sa mga opisyal ng Kabus Padatuon (KAPA).
Ayon kay SEC Chairman Emilio Aquino sa panayam ng Bombo Radyo, aktibo rin ang kanilang opisina sa pagtanggap ng mga sumbong na may kinalaman sa mga paglabag sa securities regulation.
Sa kabila nito, maaari naman aniyang dumirekta ng reklamo ang mga biktima ng KAPA at iba pang organisasyon sa Department of Justice (DoJ).
Hindi naman aniya kailangang idaan pa sa SEC ang lahat ng complaint dahil may karapatan naman ang sinumang nabiktima ng scam na kasuhan ang responsable sa pagtangay sa kaniyang pera.
Sa kasalukuyan, may mga investment group na rin silang inisyuhan ng advisory, cease and desist at closure order.