-- Advertisements --

CEBU CITY – Ininspeksyon ng Commission on Human Rights (CHR-7) ang Sawang Calero Police Station sa lungsod ng Cebu upang alamin ang sinasabing “secret jail” o sikretong piitan.

Ayon kay Leo Villarino, ang chief investigator ng CHR-7, bina-validate pa nila ang mga paratang ng dalawang impormante na nakulong umano sa nasabing piitan.

Dagdag pa ni Villarino, na ibang kaso ito na kriminal at administratibo na kinakaharap nga 13 mga pulis sa Sawang Calero Police Station.

Magugunitang kinumpirma ng isang nagreklamo ang sinasabing rape at extortion nang makulong ito sa sinasabing secret jail.

Binigyang-diin ni Villarino na ang makukuhang ebidensya ang siyang gagamitin sa pagsampa ng kaso laban sa mga nasabing pulis.

Nagpasalamat naman ang CHR sa IMEG-7 sa kooperasyon habang nag-iimbestiga sa kontrobersiyal na alegasyon.