-- Advertisements --
ILOILO CITY – Posibleng tanggalan ng business permit ang Medicus Diagnostic Center sa Lapaz, Iloilo City na nagtapon ng nagamit na COVID-19 test kit sa San Vicente Jaro, Iloilo City.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mr Jeck Conlu, spokesperson ng COVID-19 team ng Iloilo City Government, sinabi nito na pinatawag na ang nasabing diagnostic center ni Mayor Jerry Treñas at hiningan ng disposal plan.
Ayon kay Conlu, nagdepensa ang nasabing diagnostic center na nadisinfect rin nila ang mga nagamit na COVID-19 test kit.
Matandaan na pinulot ng mga basurero ang nasabing test kit at dahil hindi tinanggap sa junk shop, tinapon lang nila ito sa gilid ng kalsada.