-- Advertisements --
Naglabas na ng pahayag ang Diamond Hotel sa isyu ng ‘body shaming’.
Base sa online post na binatikos ng manager ng hotel ang isang intern dahil sa kaniyang pangangatawan.
Sinabi ng hotel management na kanilang iniimbestigahan na ang nasabing usapin.
Pagtitiyak nila na hindi nila kinokonsinti ang nasabing pag-uugali at kanilang sineseryoso ang mga reklamong natatanggap nila.