Nakabantay pa rin ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa nagaganap na global IT system outage na nakaapekto sa mga negosyo sa buong mundo.
Ayon kay DICT Assistant Secretary and spokesperson Renato Paraiso, na mahigpit ang ginagawang monitoring ng kanilang Cybersecurity Bureau at National Computer Emergency Response Team sa nasabing insidente.
Paglilinaw naman nito na hindi dahil sa hacking o cyberattack ang pangyayari at sa halip ay ‘faulty updates’.
Naniniwala naman ito na agad na mareresolba ang nasabing problema.
Nakabalik na rin ang ilang online services ng ilang bangko sa bansa na naapektuhan ng nasabing globan outages.
Magugunitang maraming mga bangko, flights at ilang negosyo ang naapektuhan ng nasabing outage matapos na magkaroon ng problema ang sistema ng cybersecurity company na CrowdStrike.