Binalaan ng Department of Information and Communication Technology (DICT) ang mga kandidato ng 2025 midterm elections na gagamit ng mga iligal na text blast device para sa kanilang kampanya.
Ang nasabing pagbabala ng DICT ay kasunod ng pagkakaaresto sa isang Malaysian national na nagbebenta ng mga device na ginagamit sa mga pagpapadala ng mga scam sa text.
Sinabi ni DICT Secretary Ivan John Uy, na may kakayahan silang mabantayan ang paglaganap ng mga text blast na nag-endorso ng isang kandidato.
Maaring masampahan nila ng kaukulang kaso ang isang kandidato kung saan nakikipag-ugnayan na sila Commission on Election ukol sa nasabing usapin.
Hinikayat din nito ang publiko na agad na isumbong sa kanilang opisina kapag may mga natatanggap na text blast na nag-eendorso ng kandidato.