-- Advertisements --

Tumanggap ang Dep’t of Information and Communications Technology ng 75 satellite phones mula sa United Nations Development Programme (UNDP).

Ito ay para sa mas epektibong paghahanda at pagtugon sa mga kalamidad at sakuna.

Ayon sa DICT ang satellite phones ay magagamit sa pagtitiyak ng maayos na komunikasyon sa mga liblib na lugar at ang mga lubhang masasalanta ng kalamidad.

Magbibigay-daan din ito para sa maayos na koordinasyon ng relief efforts at agarang paghahatid ng mahahalagang impormasyon sa mga apektadong komunidad.

Magugunita na isa ang linya ng komunikasyon sa kadalasang napuputol sa panahon ng malalakas na bagyo, lindol, pagputok ng bulkan, at iba pang sakuna.