Pinabubusisi ng 17 kongresista ang ibinulgar ni DICT Undersecretary Eliseo Rio hinggil sa P300 million confidential funds na ginamit ng ahensya para sa surveillance.
Sinabi ni House Minority Leader Bienvenido Abante Jr. na hindi kabilang sa mandato ng DICT ang pagsasagawa ng surveillance dahil ang trabaho nito ay tiyakin ang karapatan ng publiko sa privacy at confidentiality ng impormasyon ng bawat Pilipino.
Ayon naman kay Senior Minority Leader Carlos Isagani Zarate, marapat lamang gamitin ng kongreso ang oversight power nito para masilip kung saan napunta ang contingency funds ng DICT.
Pinuna ng mga kongresista ang kawalan nang transparency ni DICT Sec. Gregorio Honasan sa disbursement ng P300 million na confidential funds.
Base kasi sa audit observation memorandum ng Commission on Audit (COA) noong Enero 20, 2020, tatlong okasyon na nag-cash advance ang DICT noong nakaraang taon.