-- Advertisements --

Magtutulungan ngayon ang Department of Information and Communications Technology, Department of Education, ilang mga institusyon pang-edukasyon at digital platform upang palakasin ng digital learning sa bansa.

Kung saan nilagdaan nila ang isang Memorandum of Agreement na may adobokasiyang mailapit ang digital education sa mga mag-aaral at komunidad.

Dinaluhan mismo ito ng bagong kalihim ng Department of Information and Communications Technology na si Secretary Henry Rhoel Aguda, Assistant Secretary Aurelio Paolo Bartolome ng Department of Education, President Raquel Wong ng kabahaging institusyon at pati ang CEO ng isang digital platform na si Bran Reluao.

Sa inilunsad na adbokasiya, mamamahagi ang mga ito ng 100 tablet at tatlong satellite internet sa mga pampublikong paaralan sa Cebu.

Kaya naman ipinagpasalamat ni DICT Secretary Aguda ito matapos ihayag ng isang digital platform CEO na si Bran Reluao ang kanyang paniniwala na malaki ang papel ng digital technology sa pag-usbong ng edukasyon sa bansa.

Dagdag pa rito, nakapaloob sa naturang kasunduan ang pagtulungan ng mga ito sa Department of Information and Communications Technology na mapabuti ang curriculum sa mga educational institution na naayon sa mithiing mapaunlad ang teknolohiya sa bansa.