-- Advertisements --

Pinakikilos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Information and Communications Technology (DICT) kaugnay sa kumakalat sa social media na “Momo Challenge” na ikinaalarma ng maraming mga magulang.

Ito ay sa kabila ng pahayag ng ilang information technology expert gaya ni Art Samaniego na batay sa ginawa nilang serye ng pagsusuri, lumilitaw na “hoax” o pekeng impormasyon na kumalat noong mga nakalipas na taon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, peke man o hindi, binabalaan ng DICT ang publiko kaugnay sa peligrong dulot ng mga internet games at iba pang social media apps.

Ayon kay Sec. Panelo, katuwang ng DICT ang Department of Education (DepEd) para makipag-ugnayan sa mga magulang sa pag-monitor at paggabay sa mga bata sa paggamit ng internet.

Binanggit ng mga eksperto na nag-download sila ng lahat na sinasabing applications na umano’y pinagmulan ng “Momo,” pati na ang mga kahawig nitong program pero nagkakaisa raw ang kanilang conclusion na wala talaga sa available social media sites na gumagamit nito.

“Lastly, Department of Information and Communications Technology Acting Secretary Eliseo Rio said that whether the Momo challenge is a hoax or not, the Department is warning the public of the dangers which can be found in the internet. The DICT, together with the Department of Education, is targeting parents to monitor and give guidance to their children on how to use the internet,” ani Sec. Panelo.