Nanawagan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa mga Local Government Unit (LGU) na isumite ang listahan ng naturukan na ng bakuna na kanilang mga residente laban sa COVID-19.
Ito ay dahil sa plano ng DICT na ilunsad ang digital vaccine certificates.
Ayon kay DICT Secretary Gregorio “Gringo” Honasan na maaaring ipadala ng mga LGU ang mga listahan ng mga bakunadong residente sa kanilang DICT Vaccine Administration System (D-VAS).
Sa nasabing paraan aniya ay magiging mabilis ang pag-capture nila ng mga data.
Katuwang nila ang Department of Health para sa paggawa ng mga “VaxCertPH” na ibibigay sa mga bakunadong mamamayan.
Ang nasabing hakbang ay kasunod ng hindi pagkilala ng Hong Kong sa mga vaccination card ng mga oversease Filipino workers.