Hindi inirerekomenda ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pag-ban sa social media platform na TikTok sa ngayon.
Ito ay matapos na ipanukala ang pagbabawal nito sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Kasabay ng public briefing para sa National Cybersecurity Plan 2023-2028, iginiit ni DICT Undersecretary Jeffrey Ian Dy na mas nais nitong mabantayan at ma-regulate ang lahat ng social media apps at sites kabilang ang online shopping platforms at messaging apps.
Sa kasalukuyan kasi walang batas na nagreregulate sa mga online platform na kapareho sa mga polisiya sa Europa at US.
Suportado din aniya ng ahensiya ang over-the-top messaging at social media platforms lalo na ang mga panuntunan para sa privacy, cybersecurity at computer security.
Una rito, naging subject na din ang naturang online platform ng ban sa mga bansa tulad ng china, India, Australiam UK at ilang parte ng Europa.