-- Advertisements --
Ipinagmalaki ni Department of Information and Communications Technology (DICT) acting chief Eliseo Rio, Jr ang muling paggana na ng mga online precinct finder.
Sinabi ni Rio na magiging malaking tulong ito para mas mabilis na mahanap ng mga botante ang kanilang mga presinto kung saan sila boboto.
Labis din ang pasalamat ng Commission on Election (Comelec) sa ginawa nito ng DICT.
Tiwala rin si Comelec spokesperson James Jimenez na hindi mauulit ang nangyaring pagpasok ng computer hackers sa kanilang websites na nangyari noong 2016 elections.