-- Advertisements --
Ipinaliwanag ng Department of Information and Communication Technology (DICT) at Department of Health (DOH) ang ilang naging problema sa pagkuha ng vaccination certificate ng bansa na VaxCertPH.
Dahil aniya sa dami ng mga kumukuha ng mga vaccination certificate kaya nagkakaroon umano ng bahagyang aberya.
Ikinokonsidera itong proof of vaccination para sa mga international travel na sumusunod sa digital guidelines na ipinalabas ng World Health Organization (WHO).
Noong Setyembre ng una itong inilunsad ay umabot na sa 138,000 ang kumuha nito.
Sa ngayon aniya ay ang VaxCertPH portal ay para sa mga users na nasa National Capital Region at sa Baguio City.