Kampante ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na nagawa nito ang lahat upang mabigyan ng sapat na internet sevice sa mga mamamayang Pilipino sa kabuuan ng 2023.
Ayon kay DICT Assistant Secretary Aboy Paraiso, nagawa ng aheniya maabot ang hanggang sa 13,000 na bagong connectivity o free WiFi sites sa buong bansa.
Ito ay bahagi aniya ng kanilang target na makapaglagay ng hanggang sa 15,000 na bagong site bago matapos ang taon.
Nagawa aniya ito ng ahensiya sa kabila ng maraming hamon na hinarapa nito ngayong taon.
Ayon kay Paraiso, lahat ng mga ito ay gumagana at gumugulong na, habang ang iba pang kahalintulad na proyekto ay pending na rin.
Tiniyak naman ng DICT official na magpapatuloy pa rin ang kampanya nito upang mailapit pa lalo ang internet connectivity sa mga Pilipino.