-- Advertisements --

Nagtalaga ng mga tauhan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) upang tutukan ang mga maglilipanang misinformation sa darating na eleksyon. 

Layunin ng mga ito na i-monitor at i-report sa kagawaran ang mga madidisukbreng hindi lamang na misinformation kundi pati na rin ang mga deepfakes at AI-generated misleading contents.  

Ang pag-dedeploy ng mga tauhan ng DICT ay kinumpirma mismo ng kasalukuyang kalihim ng kagawaran na si Secretary Ivan John Uy bilang paghahanda sa nalalapit na halalan. 

‘We’ve deployed people who will be scouring all the different social media sites and all the internet on possible misinformation, disinformation, deepfake, or AI-generated content and report them to us so that we can properly take action together with ahh the Comelec,’ ani Secretary Ivan John Uy ng Department of Information and Communications Technology

Dagdag pa niya, magiging katuwang nila sa planong pagmamatyag at pagsugpo sa mga maling impormasyon ang iba’t ibang mga grupo na nais ding makibahagi sa kasagsagan ng eleksyon. 

Dahil dito, nagbigay ng payo ang naturang kalihim ng Department of Information and Communications Technology sa publiko na huwag agad-agad maniwala sa kung anong makikita o mababasa online.