-- Advertisements --

Malugod na tinanggap ng Department of Information and Communications Technology (DICT) kasama ang mga attached agencies nito ang pagkakatalaga ng kanilang bagong kalihim.

Magkakaroon na kasi ng pamalit sa dating secretary na nagbitiw sa kanyang pwesto na si Former Secretary Ivan John Uy.

Kung saan, itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Henry Rhoel Aguda bilang panibagong kalihim ng naturang kagawaran.

Matatandaan na si Henry Aguda ay naging bahagi noong nakaraan ng Digital Infrastructure Lead sa Private Sector Advisory Council (PSAC) ng kasalukuyang administrasyon.

Dahil dito, inihayag mismo ng kagawaran sa isang social media post ang kanilang pakikipagkaisa na suportahan ang itinalagang bagong secretary ng Department of Information and Communications Technology (DICT).