-- Advertisements --
Plano ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na mapalakas ang libreng WIFI sa Metro Rail Transit-3 (MRT-3) .
Layon ito ay para mapalakas ang serbisyo ng MRT-3 at ang pagtungo nila na sa cashless payments.
Ayon kay DICT Secretary Henry Aguda, na plano nilang mapalawig pa ang WIFI coverage ng hanggang sa loob ng mga bagon.
Nakikipagtulungan na rin sila sa mga pangunahing telecommunications companies para sa nasabing proyekto.
Kasalukuyan namang pinag-aaralan ang mga WIFI program sa Light Rail Transit Line-1 at Line 2.