-- Advertisements --
Gumagawa na ng hakbang ang Department of Information and Communications Technology (DICT) para labanan ang paggamit ng Artificial Intelligence o AI sa halalan sa susunod na taon.
Ayon kay DICT Undersecretary Jeffrey Ian Dy, na may ugnayan na sila sa mga iba’t-ibang social media sites para malabanan ang negatibong dulot ng AI.
Ilan aniya sa mga gagawin nila ay ang paglalagay ng watermarksat categorization system.
Magtutulong-tulong aniya sila para mabilis na malaman kung ang mga video na ipapalabas ay AI generated.
Aminado ang opisyal na wala pang mga batas para tuluyang maregulate ang nasabing mga social media.