-- Advertisements --
image 393

Hinimok ng Department of Information and Communications Technology ang mga gumagamit ng SIM na kailangang magparehistro bago ang deadline sa Abril 26 para maiwasan ang awtomatikong pag-deactivate ng kanilang ginagamit na SIM cards.

Ayon kay Department of Information and Communications Technology Undersecretary Anna Mae Lamentillo, sa 161 milyong aktibong Subscriber identity module o SIM sa bansa, humigit-kumulang 34.4 milyon pa lamang ang nakapagparehistro.

Aniya, hindi bababa sa 80 porsiyento ng mga nagparehistro ay nasa edad 40 pataas.

Ngunit tiniyak ng opisyal sa publiko na ang mga telecommunications entities, Department of Information and Communications Technology (DICT) at iba pang kinauukulang ahensya ay naghahanda para sa pagdagsa ng registration habang papalapit ang deadline dahil kilala ang mga Pilipino sa “last minute” action.

Para sa mga nakalampas sa deadline sa darating na April 26, bibigyan sila ng telecommunication entities ng limang araw para sumunod sa batas bago tuluyang i-disable ang kanilang mga SIM cards.