Muling nagpaaalala ang Department of Information and Communication Technology sa publiko na irehistro na ang kanilang mga SIM cards dahil malapit na ang nakatakdang deadline nito.
Ayon kay DICT Usec Anna Mae Lamentillo, mayroon na lamang mahigit isang buwan bago ang deadline ngunit wala pa sa kalahating porsyento ang mga nakapagparehistro.
Sa kasalukuyan kasi nasa kabuuang bilang pa lamang na 41, 471, 403 ang nakarehistrong SIM card naitatala ng departamento.
Kaugnay niyan, nais palawigin ng Department of Information and Communications Technology ang deadline na nakatakda sa ika-26 ng Abril at dagdagan pa ng panibagong 120 araw upang magbigay daan sa mga nais humabol sa nasabing registration.
Ang karagdagang 120 araw mula sa araw ng deadline ay kasalukuyan nang nasa deliberasyon.
Una na rito, mayroong kabuuang bilang na 168.9 million na mga SIM cards ang kinakailangang irehistro ng mamamayan ng ating bansa.