Ikinababahala ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang bagong polisiya ng social media site na X na payagan ang mga adult content sa kanilang platform.
Matatandaang maraming sektor ang umalma sa patakaran na pag-aari ni Elon Musk.
Ayon kay DICT Undersecretary Jeffrey Ian Dy, patunay lamang ito na kailangan na talagang ma-regulate ang social media, katulad ng pag-himok nila sa iba pang social platforms.
Inamin pa ng opisyal na tanging magagawa lang ng ahensya ay ang subaybayan ang development na ito at panghawakan ang pangako ng X na ibu-blur nito ang mga sensitibong content.
Pinayuhan naman ni Dy ang mga magulang na mas lalong higpitan ang parental control sa mga kabataan upang maiwasan ang paggamit ng mga menor de edad sa mga ganitong plataporma.
Maging sa iba pang site ay may mga nakakalusot din na adult content at kung minsan ay natatagalan bago matanggal kahit mai-report pa ng ibang users.