-- Advertisements --
Inalok ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang World Health Organization (WHO) para imbestigahan umano ang data breach na nangyari kung saan nakumpromiso ang ilang COVID-19 vaccination data mula sa Pilipinas at India.
Sinabi ni DICT spokesperson Assistant Secretary Renato Paraiso, na ang data leak ay nadiskubre umano ng Philippine National Computer Agency Response Team.
Hindi pa malinaw umano kung gaano kalawak ang nasabing data breach hanggang hindi makita ng DICT ang records ng WHO.
Sa ngayon ay hinihintay nila ang kaniyang request na maaprubahan dahil ito ay international agency at wala aniya silang hurisdiksyon ukol sa nasabing usapin.