Nagbigay babala sa publiko ang Department of Information and Communications Technology (DICT) hinggil sa kumakalat na pagpapanggap ng ilang indibidwal bilang si Secretary Henry Aguda.
Sa isinapublikong pahayag ng naturang kagawaran, ibinahagi nila na modus ito ng mga manloloko upang makapambiktima.
Kung saan ang mga indibidwal na ito ay target o tinawagan raw ang ilang Local Government Unit (LGU) personnel habang nagpapanggap na magsasagawa sila ng ICT projects ng DICT.
Pati ang pagkolekta ng personal information ng mga biktima ay target ding makuha sa kanilang masamang gawain.
Kaya naman dahil dito, nilinaw ng DICT na ang mga kumakalat ngayong transaksyon ay hindi otorisado at ang mga mobile numbers na gamit nito ay hindi konektado sa sinumang opisyal o tauhan ng kanilang kagawaran.