-- Advertisements --

Nagbabala sa publiko ang Department of Information and Communications Technology patungkol sa mga sa bagong bogus ng mga text scheme ngayong darating na pasko.

Ayon kay Undersecretary for Infrastructure Management, Cybersecurity & Upskilling Jeffrey Ian Dy gumagamit ng bagong teknolohiya ang mga naturang sindikato na tinatawag umano na ‘fake base station’ kung saan nai-intercept ang iyong messages na siya raw pinapadala pabalik sa kanilang estasyon at sa isang click o reply mo lang dito ay siyang mabilis na mape-peke ang inyong mga detalye.

Madalas rin aniya na magpanggap ang mga sindikato bilang service provider gaya ng food delivery, online bank accounts, telcos, at e-wallet.

Dagdag pa ni Dy mabuting pumunta na lang mismo aniya sa inyong app provider ng sa gayon ay ligtas ang pag access mo ng mga information kaysa raw i-click ang mga dumarating na text message sa inyo.

Batid pa ni Dy na epektibo ang SIM card registration dahil aniya mahigit 70% ang nabawas na kaso ng cybercrime ito’y kahit una nang naipaulat ng Philippine National Police ang pagtaas ng kaso ng cybercrime sa bansa.

Aminado ang DICT, na hindi nila matapatan ang mga equipment ng mga sindikato kaya payo na lang ng mga awtoridad sa publiko ‘wag mag cli-click ng anumang link o ‘wag tatawagan ang anumang cellphone number na ibibigay sa mensahe.